Mahigit kalahating milyon na ang account sa fluxer.com. Gumagana ang mga Fluxer app sa mga self-hosted na instance.

Basahin ang post

Patakbuhin ang sarili mong instance ng Fluxer

Open source ang Fluxer sa ilalim ng lisensyang AGPL-3.0, at libre ang pag-self-host nito. Isang command lang ang mag-i-install ng sarili mong instance sa Linux, macOS o Windows.

I-install gamit ang isang command

curl -fsSL https://fluxer.dev/install.sh | sh

Basahin ang script sa GitHub

irm https://fluxer.dev/install.ps1 | iex

Patakbuhin ito sa PowerShell.Basahin ang script sa GitHub

Dina-download ng script ang rexctl mula sa aming mga release sa GitHub, sinusuri ang SHA-256 checksum nito at sinisimulan ito. Magtatanong sa iyo ang rexctl ng ilang tanong, ise-set up ang Fluxer na may HTTPS at ipapakita ang address ng iyong instance kapag tapos na ito.

Basahin ang gabay sa self-hosting

Ang kailangan mo

  • Isang 64-bit na Intel, AMD o Arm na machine na nagpapatakbo ng Linux, macOS o Windows, na may hindi bababa sa 2 CPU core, 4 GB na memory at 20 GB na bakanteng disk space. Sapat iyon para sa isang instance na may mga 1,000 taong online nang sabay-sabay.

  • Sa Linux, gumagana ang rexctl sa Docker o Podman at ini-install nito ang Docker para sa iyo kung wala ang alinman sa dalawa. Sa macOS at Windows, kailangan mong naka-install at tumatakbo ang Docker Desktop.

  • Isang domain o subdomain para sa iyong instance, gaya ng chat.example.com, na may A record sa mga DNS setting nito na nakaturo sa public IP address ng machine.

  • Mga TCP port 80, 443 at 7881 at mga UDP port 443 at 7882 na bukas sa anumang firewall sa harap ng machine. Kayang buksan ng rexctl ang mga ito sa sariling firewall ng machine gamit ang ufw o firewalld.

  • Opsyonal ang email server. Puwede kang mag-set up nito mamaya, o hayaan ang mga tao na mag-sign in gamit ang username nang walang email address.

Basahin ang kumpletong mga kinakailangan

Open source sa GitHub

Nasa GitHub ang code ng Fluxer at rexctl sa ilalim ng lisensyang AGPL-3.0. Puwede mo itong patakbuhin, pag-aralan, baguhin at ibahagi, at kung babaguhin mo ito at iaalok sa iba sa pamamagitan ng isang network, ibabahagi mo ang iyong mga pagbabago sa ilalim ng parehong lisensya.

Hindi mo kailangan ng license key, at walang pinababang edisyon. Pinopondohan ang Fluxer sa pamamagitan ng Plutonium, mga donasyon at ng Operator Pass.

Pagpapatakbo ng iyong instance

Pinapanatiling tumatakbo ng rexctl ang iyong instance pagkatapos ng pag-install. Patakbuhin ang mga command na ito sa isang terminal sa machine kung saan mo in-install ang Fluxer.

  • Mag-upgrade

    rexctl upgrade

    Sabay nitong ina-upgrade ang rexctl at ang Fluxer. Bina-back up muna nito ang iyong instance, at kung hindi magsimula ang bagong bersyon, kusa itong babalik sa bersyong mayroon ka dati.

    Paano gumagana ang mga upgrade

  • Mag-roll back

    rexctl rollback

    Ibinabalik nito ang bersyong mayroon ka bago ang huli mong upgrade at hindi nito binabago ang iyong database. Puwede mo ring i-restore ang backup na ginawa ng rexctl bago ang upgrade.

    Paano gumagana ang pag-roll back

  • Mag-back up at mag-restore

    rexctl backup

    Sine-save nito ang iyong mga setting, database at upload sa iisang file. Puwede mo itong i-restore sa parehong machine o gamitin ito para ilipat ang iyong instance sa ibang machine.

    Paano gumagana ang mga backup

  • Pamahalaan ang mga tao

    rexctl invites create

    Gumagawa ito ng invite link. Sa ibang command ng rexctl, mapipili mo kung sino ang puwedeng gumawa ng account, maaaprubahan ang mga taong naghihintay, makakapagdagdag ng mga admin at makakapag-ban ng mga account.

    Paano pamahalaan ang mga tao

  • Maghanap ng mga problema

    rexctl doctor

    Sinusuri nito ang iyong instance at ang machine para sa mga problema. Kapag idinagdag mo ang --fix, aayusin din ng rexctl ang mga problemang ligtas nitong maaayos.

    Bawat command ng rexctl

  • Baguhin ang mga setting

    rexctl config list

    Inililista nito ang bawat setting kasama ang value nito at isang linya ng paliwanag. Puwede mo ring baguhin ang email at branding sa admin panel.

    Paano baguhin ang mga setting

Iba pang paraan para patakbuhin ang Fluxer

  • Docker Compose

    Kung nagpapatakbo ng mga compose stack para sa iyo ang iyong platform, gaya ng Portainer, TrueNAS o Unraid, may kasamang compose bundle ang bawat release.

    Patakbuhin gamit ang Docker Compose

  • Kubernetes

    Pinapatakbo ng Helm chart ang parehong mga serbisyo ng Fluxer na pinapatakbo ng rexctl sa iisang machine, sa isang Kubernetes cluster na 1.29 o mas bago.

    Patakbuhin sa Kubernetes

  • Sarili mong reverse proxy

    Kung gumagamit na ng mga port 80 at 443 ang ibang web server sa machine, kayang mag-serve ng Fluxer ng plain HTTP para sa nginx, Caddy o ibang proxy.

    Gamitin ang sarili mong proxy

Ginagamit ng mga tao ang mga app ng Fluxer

Binubuksan ng mga tao ang address ng iyong instance sa isang browser o inilalagay ito sa mga desktop at mobile app ng Fluxer. Ikaw ang pipili kung magsa-sign in sila gamit ang email address o username, at puwede kang magdagdag ng single sign-on sa pamamagitan ng sarili mong identity provider.

Ikaw rin ang magpapasya kung sino ang puwedeng gumawa ng account, sa pamamagitan ng bukas na pagpaparehistro, pag-apruba, mga invite link o walang bagong account. Puwedeng magdagdag ang mga tao ng mga account mula sa iba't ibang instance, kasama ang fluxer.com, sa account switcher sa app.

Ang iyong instance at ang fluxer.com

Nakaimbak kung saan mo pipiliin ang mga mensahe, file at account ng iyong instance, at hindi umaasa ang iyong instance sa isang sentral na sistema ng pag-sign in. Hindi ka maba-ban ng staff ng Fluxer mula sa sarili mong instance o mula sa anumang ibang instance na hindi namin pinapatakbo.

Walang tier na may bayad sa iyong instance

Walang Plutonium sa isang self-hosted na instance. Puwede mong makuha nang libre para sa sarili mo ang bawat feature ng Plutonium o ikaw ang magpapasya kung paano ito makukuha ng iyong mga user, at hindi kailangang mag-expire ang mga upload.

Mga push notification para sa sarili mong instance

Ipinapadala ng Apple at Google ang mga notification sa opisyal na app ng Fluxer gamit ang mga credential na ang Fluxer lang ang may hawak. Ipinapasa ng aming push relay ang mga notification ng iyong instance sa kanila, pero kapag lang in-on ito ninyong dalawa, ikaw at ang taong gumagamit ng app.

Ni-e-encrypt ng iyong instance ang bawat notification, at hindi namin ito mababasa. Itinatala namin ang mga detalye ng delivery, gaya ng oras at ng network address ng iyong instance. Sa Android, hindi kailangan ng UnifiedPush na bersyon ng app ang aming relay.

Ano ang nakikita ng relay

Ang kailangan nito

Tuloy-tuloy na trabaho ang pagpapatakbo ng isang instance. Ikaw ang bahalang mag-update ng Fluxer at magpanatiling tumatakbo ng iyong instance, at ikaw ang humahawak sa moderation at kaligtasan para sa mga taong gumagamit nito.

Bilang admin ng instance, ikaw ang data controller ng iyong instance, na may sarili mong mga legal na tungkulin sa ilalim ng batas sa proteksyon ng data, ayon sa sinasabi ng seksyon 1 ng aming patakaran sa privacy.

Mga tanong tungkol sa self-hosting

Libre ba ang self-hosting?

Oo. Libreng i-self-host ang Fluxer at ang rexctl. Ang machine at domain lang na pagpapatakbuhan mo nito ang babayaran mo.

Kailangan ko ba ang Operator Pass para mag-self-host?

Hindi. Libre para sa lahat ang self-hosting, ang docs at ang tulong mula sa komunidad sa Fluxer Developers. Ang Operator Pass ay isang opsyonal na minsanang pagbili na tumutulong na pondohan ang Fluxer, at wala itong ina-unlock o binabago sa iyong instance.

Puwede ko bang ilipat ang aking instance sa ibang machine?

Oo. I-back up ang iyong instance gamit ang rexctl backup, kopyahin ang backup file sa bagong machine at i-restore ito roon gamit ang install script. Pagkatapos, palitan ang A record ng iyong domain ng address ng bagong machine.

Paano ko ia-upgrade ang isang instance na in-install ko bago pa nagkaroon ng rexctl?

Patakbuhin ang kasalukuyang install script gamit ang --update at ang folder kung nasaan ang iyong instance. Ini-install nito ang rexctl at ipinapasa rito ang iyong instance, at hindi nagbabago ang iyong data at mga setting. Hindi mo kailangang mag-reinstall.

Puwede ko bang itigil ang paggamit ng rexctl sa ibang pagkakataon?

Oo. Isinusulat ng rexctl eject ang bawat setting sa folder ng iyong instance para sa Docker Compose at pinipigilan ang rexctl na baguhin ang instance, at patuloy na tatakbo ang Fluxer. Ibinabalik ng rexctl takeover ang instance sa rexctl.

Puwede ko bang gamitin ang sarili kong storage o database?

Kapag nag-install ka gamit ang rexctl, ginagamit ng --storage-endpoint ang sarili mong S3-compatible na object store. Kaya ring gamitin ng Helm chart para sa Kubernetes ang isang Postgres, Valkey, NATS, Meilisearch o LiveKit server na pinapatakbo mo na.

Ang Operator Pass

Ang Operator Pass ay isang minsanang pagbili na sumusuporta sa Fluxer. Kasama nito ang isang Operator na sertipikong may numero, ang Operator badge at isang puwesto sa Operators' wall. Walang binabago ang pass sa sarili mong instance.

Maligayang pagdating sa Fluxerberso

I-install ang app o buksan ang Fluxer sa browser at magsimulang makipag-usap.